Welcome to Filipino 101
-
Featured
Kami’y bumabati ng maligayang pagdating.
Ang blog na ito ay ginawa namin upang ibahagi ang salitang Filipino upang siya magsilbi biglang isang lugar kung saan ang salitang Filipino ay buhay na buhay at mnanatiling buhay.
Sundin Ang Aming Blog.
Alamin ang Filipino at ang mas mahasa sa ating salita. Ilagay lang ang iyong E-mail address sa ibaba at maging updated sa mga bagong post dito.
10 Malalalim Na Salitang Filipino, Ang Kahulugan, At Mga Halimbawa.
- Datal – Dumating o sumapit.
- Dumatal ang aking kapatid mula sa eskwela.
- Gaso – Maharot o hindi mapalagay.
- Ang batang gaso ay pinapalo.
- Rahuyo – Akit o bighani.
- Baka marahuyo si Gene sa ate ni Bryan.
- Apuhap – Hagilap or pagdama sa paraan ng pagsalat gamit ng kamay.
- Sa madilim na kwarto, nag-apuhap ang lalaki.
- Siil – Panggigipit, pang-aapi, marahas na pamimilit, or pagpatay sa pagsasakal.
- Mapaniil ang taong yan sa mga may utang sa kanya.
- Ibay – Lango o lasing.
- Si tito Badang ay ibay sa alak na naman.
- Tangkakal – tanggol, ligtas, o taguyod.
- Ang mga ina ay matangkakal sa mga anak nila, lalo na kapag babae.
- Taborete – Upuan
- Na ibay si tito Badang kaya naman nahulog siya mula sa isang taborete.
- Tingkala – unawa o isip.
- Mula sa aking tingkala, nakabuo ako ng isang istorya.
- Kalampi – Kalakip o kasama.
- Kalampi ng kabutihan ang kasamaan, walang mababatayan kung mawala ang isa.
Tulungan niyo po kami mapaganda ang aming blog sa pamamagitan ng pasagot ng aming survey!